Miyembro ng PNP SAF patay matapos pagbubugbugin ng isang grupo sa Pangasinan

580

Patay ang isang tauhan ng Pilippine National Police Special Action Force (PNP–SAF)matapos bugbugin ng isang grupo ng mga kalalakihan sa isang Peryahan sa Mapandan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Robert de Vera, 29 anyos nakatalaga sa Samar at residente ng Brgy. Luyan, Mapandan, Pangasinan.

Batay sa report ng Mapandan PNP, umawat sa away ng mga kalalakihan sa peryahan si De Vera ngunit siya ang napagbuntunan ng init ng ulo ng mga ito at binugbog.


Nadala pa sa Mapandan Community Hospital ang biktima pero namatay na ito.

Nakuha ng mga imbestigador na nakasukbit pa sa kaniyang baywang ang kaniyang service firearm na isang Masada Caliber 9 mm. pistol.

Facebook Comments