ISRAEL AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES AT IBA PANG OPISYAL NG PAMAHALAAN, BUMISITA SA MGA LABI NG NASAWING OFW SA ISRAEL SA BASISTA

Bumisita sa tahanan ng nasawing overseas Filipino worker sa Israel na si Mary Ann De Vera sa bayan ng Basista ang Israel Ambassador to the Philippines na si Dana Kursh, kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief na si Atty. Patricia Yvonne Caunan at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Caunan, nagpaabot ng paunang tulong ang OWWA sa pamilya ng mga aktibong miyembro nito na nasawi sa ibang bansa, kabilang ang Pangasinenseng OFW na si De Vera.

Sinabi nitong aabot sa ₱200,000 hanggang ₱250,000 ang matatanggap ng naiwang pamilya, kabilang na ang livelihood assistance.

Nagpaabot din ng taos-pusong pakikiramay ang mga opisyal sa pamilya ng nasawing OFW at binigyang-diin ang kabayanihang ipinamalas nito.

Tiniyak naman ng OWWA na magpapatuloy ang kanilang tulong at suporta sa mga overseas Filipino worker, lalo na sa mga kasalukuyang nasa Middle East. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments