Israeli PM Netanyahu, kakasuhan ng bribery

Posibleng makasuhan ng bribery at breach of trust si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Nahaharap si Netanyahu sa tatlong hilaway na corruption investigations, na nagbibinbin sa pagdinig.

Itinanggi naman ni Netanyahu ang mga alegasyon at isinisisi ito sa mga makakaliwa dahil sa pagpe-pressure sa kanyang appointee na si Attorney General Avichai Mandelblit na maglabas ng indictment


Binibigyan ng karapatan ang Israel leader na sumalang sa pagdinig bago siya idemanda.

Sa ilalim ng Israeli Law, si Netanyahu ay hindi kinakailangang magbitiw sa pwesto kahit siya pa ay na-indict.

Bababa lamang siya sa pwesto kung siya na ay na-convict.

Nabatid na tatakbo muli si Netanyahu para sa kanyang ika-limang termino.

Facebook Comments