Issue ng pambabastos umano ng Nikkei organizers kay Pangulong Duterte ayaw nang palakihin pa ng Malacañan

Naniniwala ang Palasyo ng Malacañan na hindi na dapat palakihin pa ang insidente kung saan pumalag si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin sa pagpigil ng Nikkei organizers paghaba pa ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang event sa Japan noong nakaraang linggo kung saan ay sinabi ni Locsin na ito ay isang uri ng pambabastos.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi na dapat maging malaking issue ang usapin dahil mismong si Pangulong Duterte ay hindi naman ito minasama at sa katunayan ay ginawang biro nalang ito ng Pangulo.

 

Sinabi din ni Panelo na napansin niya na maging ang protocol din ni Pangulong Duterte ay lumapit sa kanya at ipinaalala aniya sa Pangulo na mayroon pa itong susunod na schedule.


 

Pero hindi naman kinontra ni Panelo ang pagpalag ni Locsin sa insidente dahil kung totoo naman aniya na pinigil ang Pangulo ng Nikkei organizers ay hindi ito dapat ginwa pero hindi naman aniya nabastos dito ang Pangulo.

Facebook Comments