OFW sorpresang umuwi ng bansa para makadalo sa graduation ng anak

Courtesy Facebook/Ako Si Wendy

Lumundag sa tuwa ang puso ng isang pamilya dahil sa nakatutuwang handog ng kanilang ilaw ng tahanan.

Ibinahagi ni Facebook user Ako Si Wendy, OFW mula sa Qatar, ang bidyo ng sorpresang paguwi niya para makadalo sa graduation ng mga anak. Sinadya niyang hindi ipaalam ang pagdating sa Pilipinas.

Habang nasa biyahe papuntang bahay, nag-chat pa ito sa mga supling para hindi mahalatang andito na siya sa bansa. Nag-set up ng camera ang kabiyak upang makuhanan ang much-awaited homecoming.


Pagtuntong palang ni Wendy, napasigaw ng “mama” at agad siyang niyakap ng mga bata.

Sa ngayon, mahigit 100,000 views ang nakaaantig na video.

Panoorin ang kabuuang pangyayari:

 

 

 

 

Facebook Comments