Issue sa South China Sea matatalakay sa ASEAN Summit sa Thailand – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-uusapan sa gaganaping ASEAN Summit sa Thailand ang issue sa South China Sea.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West na kabilang sa agenda ang regional and international developments ang South China Sea partikular ang Code of Conduct in the South China Sea.

Sinabi ni West na ang Pilipinas ang tumatayong coordinator sa ASEAN China dialogue partnership mula pa noong 2018 hanggang 2021.


Makakabilang din aniya sa mapag-uusapan ay ang insidente sa Recto Bank.

Ang pag-uusap aniya sa regional at international developments ay mangyayari sa leaders retreat kung saan ay ilalatag din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng code of conduct sa South China Sea upang maiwasan ang mga parehong insidente sa hinaharap.

Facebook Comments