#ISTANDWITHGRETCHEN | Gretchen Fullido, nakatanggap ng suporta sa ilang sikat na personalidad sa industriya

Manila, Philippines – Nagpakita ng suporta sina Jerika Ejercito at Melissa Ricks sa pinagdadaanan ngayon ng news anchor na si Gretchen Fullido.

Gamit ang hashtag na #istandwithgretchen sa kani-kanilang instagram, nagpa-abot ng mensahe ng pagsuporta sina Jerika at Melissa.

Hinahangaan daw ng dalawa ang pagiging matapang at paninindigan ni Gretchen na ipaglaban ang kanyang karapatan.


Itinayo din daw nito ang mga kababaihan lalo na ang mga kaparehas niyang nabiktima rin ng paghaharas.

Tiniyak ng dalawa na hindi nag-iisa ang TV personality sa kanyang laban upang makamit ang hustisya.

Nauna dito ay nagsampa si Fullido ng sexual harassment complaint laban sa dating executive producer na si Cheryl Favila at segment producer na si Maricar Asprec.

Sinampahan naman niya ng libel case sina Drilon, Venencio Borromeo at ang reporter na si Marie Lozano.

Inakusahan ni Fullido sina Drilon, Borromeo at Lozano na nakipagsabwatan kina Favila at Asprec para sirain ang kanyang kredibilidad.

Nag-ugat ang kaso laban kina Favila at Asprec dahil sa umano ay pagpapadala ng mga ito sa kanya ng ilang mga mensahe sa social media at text messages na puno ng “sexual insinuations”.

Nagsampa siya ng sexual harassment complaint kina Favila at Asprec sa pamunuan ng ABS-CBN Network pero ito ay ibinasura.

Noong nakalipas na Hulyo ay sinibak si Favila makaraang mapatunayan na guilty ito sa “gross misconduct” na bahagi pa rin ng reklamo ni Fullido.

Facebook Comments