Kaugnay ng mga natatanggap na pagbabanta sa pagkawala ng Interpol head ng China, iniimbestigahan na!

Ini-imbestigahan na rin ng French interior ministry ang mga natatanggap na banta ng pamilya ng Chinese President of Interpol na si Meng Hongwei, kung may kaugnayan ito sa biglaang pagkawala ng opisyal.

Nabatid na nagpasaklolo ang may bahay ni Meng sa Lyon Police sa France, dahil doon nakabase ang interpol.

Sa inisyal na ulat, may mga natatanggap umanong tawag at iba pang mensahe ang misis ng interpol official, makaraang mawalan sila ng contact dito.


Facebook Comments