Nanawagan ngayon ang Ilocos Center for Health Development 1 sa mga paaralan sa Ilocos Region na istriktong ipatupad ang pagsusuot ng face mask kaugnay sa papalapit na pagbabalik klase ng mga mag-aaral.
Sa isang pulong balitaan, sinabi Dra. Paz Sydiongco, DOH-CH1 Regional Director , umaabot muli sa 100 kaso ng sakit ang naitatala sa rehiyon kung kaya’t mahalaga na ipaalala sa mga mag-aaral ang pagsusuot ng face mask, handwashing, pagdadala ng hand sanitizers at pagpapatupad ng social distancing.
Binigyang diin ng opisyal na hindi maiiwasan ang paglapit ng isang mag-aaral sa kapwa nito mag-aaral upang makipaglaro kung kaya’t ipinaalala niya na kung maari ay masunod ang istriktong pagsusuot ng face mask bilang proteksyon.
Bukod dito, umaasa din si Sydiongco na sa hanay ng kaguruan sa rehiyon ay bakunado na at nabigyan ng booster dose laban sa sakit.
Samantala, bagamat hindi mandatoryo ang pagbabakuna kontra COVID-19 Sa mga mag-aaral na hinihikayat pa rin ng awtoridad ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang anak sa kabila ng paglaganap ng ibang variants ng sakit na ito. | ifmnews
Facebook Comments