Libo-libong mga pasahero, dumadagsa na sa mga pantalan kaugnay ng pagbabalik ng klase sa Lunes

38

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umaabot na sa halos isang daang libong outbound at inbound na mga pasahero ang dumadagsa ngayon sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa harap ito ng nakatakdang pagbubukas ng klase sa Lunes.

Kaugnay nito, nag-deploy ang PCG ng 2,584 personnel sa 15 Coast Guard Districts.


Naka-‘heightened alert’ din ang Coast Guard hanggang August 29.

Facebook Comments