Cauayan City, Isabela- Patuloy ang paggawa ngayon ng Isabela State University Cauayan Campus katuwang ang LGU Cauayan ng libreng alcohol na ipapamigay sa mga frontliners.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Jonathan Aquino, dahil sa kakulangan ng supply ng alcohol ay gumawa na aniya sila ng Ethyl Alcohol na libreng ipapamigay sa mga mas nangangailangan sa Lungsod.
Mabibigyan din ng libreng alcohol ang mga karatig bayan na nangangailangan ng alcohol para sa kanilang mga frontliners.
Nanggagaling aniya sa LGU Cauayan ang lahat ng mga raw materials para sa kanilang gagawing alcohol.
Ang mga nagawang alcohol ay ipapasakamay ng ISU Cauayan sa mga LGU’s upang sila na ang mamimigay sa mga frontliners.
Hiniling naman ni Dr. Aquino sa bawat isa na makipagtulungan sa ganitong nararanasang sitwasyon kaya’t nakikiusap ito sa lahat ng mga hindi frontliners na manatili muna sa tahanan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.