
CAUAYAN CITY – Binalot ng pangamba ang Isabela State University – Echague Campus kahapon, ika-26 ng Mayo matapos makatanggap ng bomb threat ang naturang pamantasan.
Ayon sa inilabas na pahayag mula sa opisina ng presidente ng Isabela State University system, nakatanggap umano ng isang email ang university kaugnay sa mga nakalagay na bomba sa iba’t ibang colleges ng ISU – Echague.
Dahil dito, agad silang nagpatupad ng suspensyon ng klase at trabaho upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, faculty, at staff.
Agad namang rumesponde ang Expolsive Ordnance Disposal (EOD) team at PNP Echague upang magsagawa ng inspeksyon sa campus kung saan wala silang nadiskubreng bomba.
Gayunpaman, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang malaman kung sino ang nasa likod ng naturang bomb threat at dahilan upang gawin ang naturang banta.
Samantala, kung matatandaan, nakaranas din ng kaparehong banta ang ISU-Cauayan noong nakaraang linggo.









