ISULAN BOMBING | Sen. Sotto, wala pang nakikitang dahilan para palawigin ang martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Para kay Senate President Tito Sotto III, masyado pang maaga para pag-usapan ang pagpapalawig ng umiiral na martial law sa buong Mindanao.

Ayon kay Sotto, sa ngayon ay wala syang nakikitang dahilan para muling pahabain pa lagpas sa kasalukuyang taon ang batas militar sa Mindanao.

Sa tingin ni Sotto ay hindi sapat ang mga insidente ng pagsabog kung saan pinakahuli ay naganap sa Sultan Kudarat na ikinasawi ng 2 katao at umabot sa 30 ang sugatan.


Naniniwala si Sotto na kayang resolbahin ang mga naganap na pagpapasabog sa loob ng isa o dalawang buwan at hindi na kailangang magdeklara muli ng martial law para sa taong 2019.

Facebook Comments