ISUMBONG MO! | NFA, ipinaalala ang mga ‘abuso’ hotlines

Manila, Philippines – Nagpaalala ang National Food Authority (NFA) na mayroon silang dalawang numerong pwedeng tawagan kung may reklamo sa mga nagtitinda ng bigas.

Ayon kay NFA spokesman Gerry Imperial, maaaring ireklamo sa kanilang kontra abuso hotline na 0927-871-59-21 at 0906-463-31-33.

Aniya, kailangan lang i-text ang pangalan ng nagrereklamo, pangalan ng nagtitinda at saang palengke nabili ang bigas para mapuntahan ng mga tauhan ng NFA.


Facebook Comments