GOOD NEWS | Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng rollback

Manila, Philippines – Nag-anunsyo na rin ang iba pang kumpaniya ng langis ng kanilang oil price rollback.

Epektibo 6:00 ngayong umaga ang piso at limampung sentimos na tapyas sa kada litro ng gasolina habang sisenta sentimos naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

Ipapatupd ito ng Petro Gazz, SeaOil, Petron, Flying V, Shell, Total, PTT at Caltex


Nasa piso at sisenta’y singko sentimos naman ang tapyas ng SeaOil habang una nang nagpatupad kahapon ng kahalintulad na rollback ang Phoenix Petroleum.

Ang nasabing rollback ay bunsod ng presyuhan sa world market.

Facebook Comments