ISUSULONG ANG KARAPATAN | Karapatan ng mga mangagawa, tiniyak na pangangalagaan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga labor leaders na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para maisulong ang karapatan ng mga manggagawa.
Ito ang ginawa ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa ilang labor group dito sa Malacañang kahapon.
Bukod sa pangako ng Pangulo ay kabilang sa natalakay sa dayalogo ay ang issue ng government cash subsidy, workers representation, recruitment, at kalayaan ng pagbuo ng asosyasyon sa economic zones.
Humiling din naman ang mga labor group na maglabas si Pangulong Duterte na isang Executive Order na siyang tuluyang magbibigay ng tuldok sa kontraktwaslisasyon.
Naniniwala kasi ang mga labor group na sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang collective bargaining at security of tenure ng mga mangagawang Pilipino.

Facebook Comments