ISUSUNOD NA? | Dating mayor ng Cebu City, pinagbantaan

Cebu City – Umaasa si dating Cebu City Mayor Michael Rama na matutukoy ng kapulisan kung sino ang responsable sa paglalagay ng tarpaulin na waring nananakot sa kaniya.

Nasa larawan si Rama kasama ang kapwa patay nang sina Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at inambush na si Atty. Jonah John Ungab na nilagyan ng markang “X.”

Si Rama naman ay binilugan ang mukha at may isinulat sa bisaya na “ikaw sunod”


Inamin ni Rama na nababahala din ito kung ano ang mensahe na gustong iparating sa kaniya sa nasabing tarpaulin at umaasa na matukoy ng kapulisan kung sino ang may pakana nito.

Si Rama ay unang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na illegal drug protector ngunit mahigpit naman itong pinabulaanan ng dating mayor.

Facebook Comments