Isyu ng fraud at inefficiency sa PhilHealth, mahirap resolbahin

Aminado si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President and Chief Executive Officer Ricardo Morales na mahirap o imposibleng resolbahin ang isyu ng fraud at inefficiencies sa ahensya.

Pero tiniyak naman ni Morales na may ginagawa silang hakbang para matugunan ang mga isyung ito.

Binanggit ni Morales ang hindi kumpleto at hindi magkakatugmang kaalaman, kung saan dawit ang malaking bilang ng mga tao at opinyon.


Aniya, malaki at magkakakonekta ang mga problema sa ahensya.

Dapat ding patunayan ng isa sa mga anti-fraud officer na nagbitiw na si Thorrsson Montes Keith ang mga ibinato niyang alegasyon sa PhilHealth dahil masyadong ‘general’ ang kanyang mga akusasyon.

Bago ito, ikinukonsidera ni Morales na mag-leave of absence sa gitna ng mga kontrobersya.

Facebook Comments