Isyu ng iligal na droga sa BOC, sampal sa war on drugs ng pangulo

Manila, Philippines – Iginiit ng mga lider ng Kamara na sampal sa kampanya kontra iligal na droga ang paglusot ng 6.4 Billion na halaga ng shabu sa green lane ng Bureau of Customs.

Sinabi ni House Deputy Speaker Raneo Abu, ito ay isa pa lamang sa mabigat na eskandalo ng BOC na nagbabalewala sa trabaho at pagbubuwis ng buhay ng mga otoridad para sa anti-drugs operation.

Mahirap para sa kongresista na tanggapin na kaisa talaga ng pamahalaan ang BOC sa gyera kontra iligal na droga.


Kung si Antipolo Rep. at Public Order and Safety Chairman Romeo Acop ang tatanungin, insulto ang insidenteng ito sa war on drugs ng Pangulo.

Kumabig naman ang kongresista na wala sa Presidente ang command responsibility kaya huwag ibato sa Pangulo ang sisi.

Hiling naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo na may maparusahan sana ang nasa likod ng pinalusot na droga sa BOC.

Facebook Comments