Isyu ng pagta-trabaho ng mga Chinese nat’l sa bansa, hindi na dapat palakihin – DOLE

Manila, Philippines – Sa gitna ng pagdami ng mga Chinese national na nagta-trabaho sa Pilipinas sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bakit hindi na lang pabayaan ang mga ito na magtrabaho sa bansa.

Nangangamba kasi siya na kapag pinaalis ang mga Chinese worker sa Pilipinas ay balikan naman ng Chinese government ang mga Pinoy worker na nasa China.

Batay kasi sa datos ng Bureau of Immigration (BI) sa loob lang ng isang buwan ay halos dalawang daang libong dayuhan ang nabibigyan ng permit para magtrabaho sa Pilipinas kung saan karamihan sa mga ito ay mga Chinese.


Paliwanag naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ibig sabihin ni Pangulong Duterte ay huwag pag-initan ang mga dayuhang pumasok nang ligal sa bansa.

Isa pa aniya, ang mga trabaho na pinapasok ng mga ito ay mga trabaho na hindi kayang gawin ng mga Pilipino.

Pero sabi naman ni Kilusang Mayo Uno (KMU) National Chairman Elmer Labog, baluktot ang pangangatuwiran ni Pangulong Duterte.

Duda rin si Labog sa sinasabi ng Pangulo na pinangangambahan niyang ganting pag-deport ng China sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.

Facebook Comments