Isyu ni Lopez na nagparehab, inungkat ni Sen. Ping Lacson

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Environment SecretaryGina Lopez na ‘below the belt’ sa inilabas na Supreme Court case laban sa kanyani Senador Panfilo Lacson.
 
Base sa desisyon ng korte noong 1974, lumalabas na tumakas nanoo’y menor-de-edad na si Lopez sa isang rehabilitation center kung saan siyaipinasok ng kanyang ina.
 
Nagsampa pa ng kontra demanda si Lopez laban sa sariling inapero nabalewala lamang ang kaso nang umabot sa wastong gulang si Lopez.
 
Ayon kay Lacson – dahil sa kasong ito kaya hindi nararapat saisang government post si Lopez.
 
Paglilinaw naman si Lopez, ipinasok siya ng kanyang mga magulangsa rehabilitation center para mailayo siya sa sinalihang spiritual group.
 
Binalak kasi niya noon na hindi mag-aral at maging full-timemissionary na lang.
 
Dagdag pa ni Lopez – napakababa ang ginawang pagtira ni Lacson sakanya kung saan inungkat ang isang kaso na ilang dekada na ang lumipas.
 
Binigyang diin pa ni Lopez na hindi siya nagdodroga at kahitanumang bisyo.

Facebook Comments