Gina Lopez, hinikayat ang mga environmental groups na suportahan ang bagong talagang Environment Secretary Roy Cimatu

75

Manila, Philippines – Hinikayat ni dating Environment SecretaryGina Lopez ang mga environmental groups na suportahan ang bagong talagangkalihim ng DENR ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Roy Cimatu.
 
Sa harap ito ng kaliwa’t kanang protesta ng iba’t ibang grupomatapos na hindi makapasa si Lopez sa Commission on Appointments.
 
Dagdag pa ni Lopez, mas makabubuti sa kalikasan kungmagtutulungan ang lahat.
  
Sa interview naman ng RMN kay dating Puerto Princesa MayorEdward Hagedorn – naniniwala siya sa kakayahan ni Cimatu na pamunuan angahensya.
  
Dagdag pa ni Hagedorn – malabo rin ang tyansang maupo siya sa DENRo makatrabaho si Cimatu dahil hindi naman siya malapit sa administrasyon.
  
Si Cimatu ay dati nang tumayong chief-of-staff ng AFP at una naring itinalaga ni Duterte bilang special envoy for OFW.

Facebook Comments