ISYU SA BASURA NITONG SEMANA SANTA SA DASOL, INIUUGNAY SA KINOKOLEKTANG ENVIRONMENTAL FEE

Kinukuwestyon online ng ilang indibidwal ang problema sa basurang iniwan ng nagdaang long weekend at Semana Santa sa Dasol, sa kabila ng paniningil umano ng Environmental Fee.

Nag-ugat ang isyu mula sa isang anonymous post sa online public group na I Love Dasol, kung saan kinwestyon ang layunin ng paniningil gayong marumi umano ang kapaligiran.

Iginiit naman ng Municipal Tourism Office na hindi “primary responsibility” ng opisina ang pangangasiwa ng basura, sa halip ay kabilang ito sa gampanin ng barangay at Solid Waste Management ng bayan alinsunod sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Dagdag pa ng tanggapan, regular silang nagsasagawa ng coastal clean-up sa mga barangay batay sa itinakdang iskedyul.

Samantala, May ilang nagpanukala rin ng karagdagang iskedyul ng koleksyon at iba pang mapagkukunan upang matugunan ang sitwasyon bilang bahagi ng pondo para sa pangongolekta ng basura ay nagmumula sa mga sinisingil na entrance at environmental fees mula sa mga dumadayong turista.

Sa huli, nanawagan ang tanggapan na iwasan ang direktang pagbanggit ng mga personalidad o ahensya sa social media at sa halip ay idulog ang mga isyu sa tamang tanggapan upang agad na matugunan ang mga pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments