Nakaalerto ngayon ang local price coordinating council (lpcc) na binuo ng dagupan city government dahil sa patuloy na galaw ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin sa merkado.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng pagpupulong ang konseho upang masusing bantayan ang sitwasyon at agad na matugunan ang anumang posibleng overpricing, hoarding, at kakulangan sa suplay.
Ayon sa lpcc, mahalaga ang maagap na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili, lalo na ang mga dagupeño.
Tiniyak din ng konseho na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang masiguro ang mabilis at maayos na aksyon sakaling magkaroon ng hindi normal na pagtaas ng presyo sa merkado.
Patuloy naman ang paalala sa publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang anumang iregularidad sa presyo ng mga bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










