Manila, Philippines – Kinalampag ng iba’t ibang unyon ng mga manggagawa mula sa pribadong kumpanya ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang kondenahin ang kontraktwalisasyon at sibakan sa trabaho.
Kabilang sa mga nag-rally ang malaking bulto ng mga dating empleyado ng isang softdrinks company, na nasibak sa trabaho nang magtipid ang kumpanya nang dahil sa TRAIN Law.
Ayon sa grupo, mahigit 500 manggagawa, kahit pa ang regular employees, nasibak dahil sa bagong business model, kung saan kumukuha na lang ang kumpanya ng mga empleyadong outsourced o galing sa agency.
Hindi anila dumaan sa dayalogo ang naturang bagong patakaran.
Dismayado rin sila kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dahil sa hindi sila naprotektahan ng pamahalaan.
Facebook Comments