Manila, Philippines – Inilatag na ng Korte Suprema ang mga isyung tatalakayin sa oral arguments bukas (Martes) kaugnay ng giyera kontra droga.
Ang pagdinig ay may kinalaman sa mga petisyong inihain ng grupo nina Aileen Almora at Sister Ma. Juanita Daño.
Ang naturang petitioners ay unang humirit sa Supreme Court ng writ of amparo dahil sa mga patayan sa kampanya kontra iligal na droga.
Nakasentro sa oral arguments bukas ang usapin sa constitutionality ng PNP Command Memondum Circular No. 16-2016 o ang PNP Project: Double Barrel.
Tatalakayin din ang constitutionality ng DILG Memorandum Circular 2017-112 para sa anonymous reporting ng mga hinihinalang kriminal.
Ang petitioners at respondents ay bibigyan ng tig-dalawampung minuto para sa kanilang opening statement.