Isyu sa soberenya, dahilan ng Pangulong Marcos Jr., kaya hindi umanib muli sa ICC ayon sa Malakanyang

Dahil sa usapin sa soberenya kaya nagdesisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi na umanib muli ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Angeles sa briefing sa Malacañang.

Aniya, iniimbestigahan ng mga korte sa bansa ang reklamo ng mga pamilya ng biktima sa anti-drug war campaign.


Iginiit pa ni Angeles na gumagana ang mga hukuman sa bansa.

Sinabi pa nito na hindi na rin kailangan na utusan pa ni Pangulong Marcos ang mga korte o ang Department of Justice (DOJ) na maadaliin ang paglilitis sa mga kasong may kinalaman sa anti-drug operations.

Bahala na aniya ang mga hukuman na umaksyon sa mga kaso.

Una rito, pumalag ang mga pamilya ng biktima ng anti-drug war campaign sa pasya ni Pangulong Marcos na hindi na bumalik ang Pilipinas sa ICC.

Ayon kay Angeles, naiintindihan ng Palasyo ang hinaing ng mga ito pero bukas aniya ang mga hukuman sa bansa at gumagana ang proseso ng paglilitis.

Facebook Comments