Aktibong pulis, kalaboso matapos manggahasa

161

Arestado ang isang aktibong pulis matapos umanong gahasain ang isang babae sa isang motel sa Pasig City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si PCol. Mario Maramag, 41 taong gulang, at nakatalaga sa Market Detachment Unit ng Pasig City Police Station.

Ayon sa salaysay ng 29-anyos na biktimang si alyas “Sheena”, nagpatulong siya kay Maramag para magpadala ng mga gamit nya sa probinsya.


Matapos siyang tulungan, dinala sya ng pulis sa motel at doon na naganap ang panggagahasa.

Sinabihan pa umano siya ng suspek na huwag magsumbong kahit kanino pero matapos ang insidente ay dumiretso ang biktima sa police station.

Boluntaryo namang sumuko sa Sub Station 2 ng Pasig PNP si Maramag kung saan ito nakakulong at nakatakdang sampahan ng kaukulang reklamo.



Facebook Comments