Isyu sa West Phil. Sea, isinisi sa Aquino Administration

Manila, Philippines – Isinisi sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang paglala ng sitwasyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay dating Solicitor General Estelito Mendoza – nabasag lang ang kapayapaan ng maghain ang Aquino administration ng petisyon sa International Tribunal.

Simula noon, lalo pa aniyang tumindi ang pagtatayo ng Chinang mga artificial island at panggigipit sa mga mangingisdang pinoy na pumalaot sa Scarborough Shoal.


Samantala, naniniwala naman si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na kaya ni Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang isyu.

Facebook Comments