Pangulong Rodrigo Duterte at Senadora Leila De Lima, kabilang sa top 100 most influential ng Time Magazine

25

Manila, Philippines – Napabilang sa opisyal na listahan ng Time’s Magazine para sa top 100 most influential people in the world 2017 sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Leila De Lima.

Kabilang ang pangulong duterte sa ilalim ng katergoryang ‘most influential leaders’ kung saan ka-linya nito sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft Founder Bill Gates at Facebook Founder Mark Zuckerberg.

Si De Lima naman ay napasama sa listahan ng ‘most influential icons’ kung saan makikita ang profile ng Senadora na isinulat ni dating US Ambassador to the United Nations Samantha Power.

Matatandaang nagingusap-usapan ng international community ang umano’y madugong kampanya ni Duterte kontra sa illegal na droga habang nakilala naman si De Lima dahil sa patuloy nitong pagtuligsa sa mga programa ng pangulo.

Facebook Comments