Posibleng mapag usapan sa working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang usapin hinggil sa West Philippine Sea.
Ngayong buwan kasi nakatakdang lumipad pa-China ang Pangulo sa kanyang ikalimang beses na pagbisita sa nasabing bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo nakatakdang makipag pulong ang Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping at maliban sa isyu ng West Phil Sea ay posible ding matalakay sa pulong ang proposed joint oil exploration sa China.
Maaari din aniyang matalakay ng 2 lider ang usapin hinggil sa pagsugpo sa terorismo, illegal drugs, cultural exchanges, people-to-people ties, at financing.
Nabatid na ito na ang ikalawang beses na pagbisita ng Pangulo sa China ngayong taon.