Inaasahang matatalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isyu sa West Philippine Sea sa Shangri-La Dialogue 2024 sa Singapore.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza, na ang ganitong klaseng forum ay nagbibigay ng magandang plataporma para sa isang bansa na ipaliwanag at ipahayag ang posisyon sa mahahalagang isyu.
Mahalagang plataporma raw ito para sa Pilipinas upang iparating ang posisyon kaugnay sa mga nangyayari sa rehiyon at kung ano ang ating isinusulong.
Kinumpirma rin ng DFA na may delegado mula sa China na dadalo sa Shangri-La Dialogue.
Nabatid na isang lider lang ang nagbibigay ng keynote address sa okasyong ito kada taon at si PBBM ang napili para sa 21st edition ngayong taon.