Paggamit ng BFAR sa budget nito para matulungan ang mga mangingisda, bubusisiin ng Kamara

Bubusisiing mabuti ng House of Representatives ang budget ng Burreau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

Sinabi ito ni Zambales Representative Jay Khonghun, makaraang lumabas sa public consultation sa mga mangingisda ng Zambales na hindi sapat ang tulong na ibinigay sa kanila ng BFAR tulad ng mga bangka na hindi akma ang sukat at laki.

Ikinadismaya ito ni Khonghun at sinabi na sa halip makatulong ay mukhang dumadagdag pa ang BFAR sa problema ng mga mangingisda na hindi na malayang nakakapangisda sa Bajo de Masinloc dahil itinataboy sila ng China.


Facebook Comments