MANILA – Balik sa normal na ang operasyon ng website ng Commission on Elections matapos itong ma-hack kagabi.Agad na pinulong ni Comelec Chairman Andres Bautista ang kanilang Information and Technology department upang malaman kung ano ang nangyari at kung ano ang pwedeng gawin para hindi na maulit ang insidente.Sa kanyang twitter account, sinabi naman ni Comelec Spokesman James Jimenez, patuloy nilang lilinisin ang kanilang website at pansamantalang papatayin muna ang lahat ng databases.Bandang alas-11:30 kagabi nang mapasok ng grupong Anonymous Philippines ang website dahil nais nilang ipatupad ng Comelec ang Security features ng Vote-Counting Machines.Ang nasabing grupo din ang nag-hack sa mga websites ng gobyerno noong mga nakaraang taon.
It Department Ng Commission On Elections, Ipinatawag Kasunod Ng Pagha-Hack Sa Kanilang Website Ng Grupong Anonymous Phil
Facebook Comments