Italian Robotics Company, naglabas ng bagong bionic hand para sa mga PWD

Panghimagas – Ipinakilala ngayon ng isang robotics company ang kakaiba nilang imbensiyon na siguradong mapapakinabangan ng mga persons with disability partikular ang putol ang isang kamay.
Nabatid kasi na naglabas ang Youbionic ng customized na dalawang robotic hands kung saan gawa ito sa nylon na may micro-controller na konektado sa mga nerve impulses.
Ayon sa CEO at desinger ng Bionic Hand na si Federico Ciccarese, kanila lang daw ini-level up ang mga kamay o braos na ikinakabit sa mga amputees pero kanila pa din pinag-aaralan kung paano ito makakabuhat ng mga mabibigat na bagay.
Sa ngayon, maari lamang daw gamiting sa pagluluto, pagtugtog ng musika o kaya ay pagsusulat at mabibili ito sa halagang $2,150 (P108,289.00).

Facebook Comments