Italy, bukas sa pagkuha ng mga bagong manggagawang Pinoy

Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Italy ang pagnanais ng pamahalaan ng Italya sa pagsama ng mga Pilipino, sa listahan ng mga manggagawang mula sa mga bansang hindi miyembro ng Unione Europeo (EU), na maaaring makapagtrabaho sa Italya.

Ito ay sa pamamagitan ng flows decree (decreto flussi) program ng Italya na alinsunod sa pinakabagong Dekreto ng Punong Ministro, bilang pagsasaalang-alang sa magandang relasyon at kooperasyon
ng Pilipinas at Italya sa usapin ng migration.

Ang pinakahuling Dekreto ng Punong Ministro ay natalaga ng tatlong taong pagtataya ng mga quota kung saan may kabuuang 452,000 dayuhang mamamayan ang tatanggapin sa Italya para sa seasonal at seasonal subordinate work at self-employment.


Nagpapaalala naman ang Philippine Embassy sa mga Pinoy na maaari lamang gawin ang aplikasyon sa pamamagitan ng isang indibidwal at nominal na kahilingan mula sa isang employer na nasa Italya.

Ang Migrant Workers Office in Rome (MWO-Rome) ay handa ring tumulong sa pag-verify ng mga job order ng mga kwalipikadong aplikante sa pamamagitan ng sistema ng decreto flussi upang maiwasan ang illegal recruitment at scam.

Facebook Comments