Italy, magpapatupad ng bagong health protocols dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Inanunsiyo ni Italy Prime Minister Giuseppe Conte na magpapatupad sila ng mga bagong health protocols dahil sa patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon kay Conte, magiging limitado na ang operasyon ng mga restaurants at iba pang pasyalan kung saan ang lahat ay inaabisuhan na palaging magsuot ng face mask, pairalin ang physical distancing at ang paghuhugas ng kamay.

Bukod dito, ipapatupad na nila ang distance learning sa mga etudyante habang sinuspinde na rin ang lahat ng conferences at festivals.


Nabatid na umaabot na sa 414,000 ang kaso ng COVID-19 sa Italy, 251,000 ang nakarekober at nasa 36, 543 ang namatay.

Facebook Comments