Manila, Philippines – Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD si retiring Army Chief Rolando Bautista.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa dinner with PMA Alumni Association Inc., sa Malacañang.
Nakatakdang magretito si Bautista sa darating na October 15.
Bago naging army chief naging commander ng Presidential Security Group (PSG) si Bautista at naging overall commander sa military operation sa Marawi siege.
Sa ngayon si OIC Virginia Orogo ang tumatayong pinuno ng DSWD.
Matatandaan noong September 16 sa meeting ng Pangulo sa Tugeugarao sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong sinabi ni Duterte na itatatalaga niya si Bautista sa National Food Authority o NFA kapalit ni dating administrator Jason Aquino.
Pero aminado noon ang Pangulo na maaring hindi magustuhan ni Bautista ang NFA dahil hindi naman siya nasa industriya ng rice trading.
Samantala, sa isang pahayag sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi naman tinanggihan ni Bautista ang NFA post sa halip ay inalok siya ni Pangulo ng bagong trabaho.