ITATAYONG MODERNONG DRYING SYSTEM NG PALAY SA UMINGAN, INAASAHANG MAKAKABAWAS SA PAGKASIRA NG ANI

Inaasahang mababawasan ang pagkasira ng ani ng mga magsasaka sa Umingan, Pangasinan sa itatayong modernong drying system sa bayan.

Ito ay kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng Drying System I Shed sa Barangay Alo-o noong Pebrero 27, 2026.

Ayon sa ulat, magsisilbi itong lagayan ng mga mechanical dryer tulad ng recirculating batch dryers na may kapasidad na anim o labing dalawang tonelada bawat salang para sa mas episyenteng pagpapatuyo ng palay, lalo na sa panahon ng pabago-bagong lagay ng panahon.

Bahagi ang proyekto ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Component na ipinatutupad sa ilalim ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization ng Department of Agriculture. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments