Nakaaapekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Dahil dito, asahan ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa MIMAROPA, Bicol Region, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Aurora, Quezon, Northern Samar at Eastern Samar.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at isolated rain showers o thunderstorm bunsod din ng ITCZ at localized thunderstorms.
Kaugnay nito, nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha o landslide sa mga nabanggit na lugar.
Katamtaman naman hanggang sa malalakas na alon ang iiral sa mga baybaying-dagat sa Extreme Northern Luzon kung saan posibleng umabot sa 3.1 meters ang taas ng mga alon.