Manila, Philippines – Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang balak ng komunistang grupo na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Oktubre.
Ito ay batay sa mga nabawing dokumento at testimonya ng mga sumukong rebelde sa gobyerno.
Dahil dito, inirekomenda ng AFP na itigil na ang peace talks na nagagamit lang anila para magpalakas ng pwersa ang New Peoples Army (NPA) para sa kanilang plano laban sa Pangulo.
Naniniwala naman si Bayan Muna Representative Carlos Zarate na nirason lang ito ng administrasyon para iatras ang usapang pangkapayaan.
Facebook Comments