Sunog sa QC, hindi parin naaapula

Hindi pa rin nagdedeklara ng fire under control ang Bureau of fire protection sa sunog na sumiklab sa Barangay Damayang Lagi sa QC.

 

Nakabantay ang BFP dahil posibleng maglagablab muli ang apoy dahil sa malakas na ihip ng hangin.

 

Abot sa sa 750 na pamilya ang walang masisilingan matapos na tupukin ng isang malaking sunog ang nasa 250 na kabahayan sa Barangay Damayang Lagi sa QC.


 

Patuloy pa rin na inaapula ang sunog na lumalamon sa hilera ng mga  kabahayan sa Area E Bloc 5 E.Rodriguez Barangay Damayang Lagi QC

 

Nagsimula ang sunog 1:27pm sa isang tatlong palapag na bahay .

Naging pahirapan ang pag apula sa apoy dahil pinapaypayan ng malakas na ihip ng hangin ang apoy kung kayat   itinaas na ito sa general alarm bandang 2:45

 

Sa ilalim ng general alarm,lahat ng mga fire trucks ay pinareresponde na

 

Dumatinng mismo sa lugar si BFP director Leonard Bañago upang pamunuan ang pag apula sa sunog.

 

Sarado pa rin sa motorista ang kahabaan ng  E.Rodriguez avenue para bigyan daan ang mga bumbero.

 

Kabiya kaniyang bitbit ng maisasalbang gamit ang mga residente

 

Hindi pa malaman kung ano ang sanhi ng nangyaring sunog pero nasa 2.5 million pesos ang halaga ng ari arian na naabo.

Facebook Comments