ITINAAS | Security alert sa NAIA – dinoble na dahil sa pagbuhos ng mga biyahero

Manila, Philippines – Itinaas na sa security condition level 2 ang antas ng seguridad sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod na rin ito ng pagdagsa ng mga turista at biyahero sa mga paliparan habang papalapit ang Pasko.

Bukod sa dagdag na mga security personnel, mas magiging mabusisi rin ang pagrekisa sa mga sasakyang pumapasok sa NAIA.


Bukod sa pagsunod sa security protocol, pinayuhan din ng Department of Transportation ang mga pasahero na agahan ang pagpunta sa naia dahil sa inaasahang mas pagbigat ng daloy ng trapiko at mahabang pila sa mga terminal.

Facebook Comments