ITINAKDA | Ceremonial signing para sa BOL, gagawin sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Itinakda na ng Palasyo ng Malacañang sa August 6 ang Ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law na gagawin naman sa Palasyo ng Malacañang.

Matatandaan na pormal na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL noong July 26 para maging isang ganap na batas

Kung susundan ang mga nakagawian sa Malacañang ay nagkakaroon ng malaking Ceremonial Signing ng batas sa Palasyo na dadaluhan ng Speaker of the House at ng Senate President at iba pang mga mambabatas.


Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, gaganapin ang nasabing Ceremonial Signing sa August 6 bago tumulak sa Mecca para sa kanyang pilgrimage si Bangsamoro Transition Commission Chairman at Moro Islamic liberation Front Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar.

Facebook Comments