Political party ng MILF na UBJP mangangampanya na para sa Plebiscite

145

Aarangkada na ang political party ng Moro Islamic Liberation Front na United Bangsamoro Justice Party o UBJP. Ayon kay MILF Chairman Alhaj Murad Ebrahim, sa gagawing plebisito ng Bangsamoro Organic Law sa ARMM, sa Cotabato City, Isabela City, sa anim na bayan ng Lanao Del Norte at 39 na bayan ng North Cotabato mag-uumpisa ang pagkilos ng kanilang partido para ikampanya ang Yes na nasabing mga lugar. Sa pulong balitaan kahapon matapos ang Bangsamoro Consultative Assembly sa Camp Darapanan, ay inihayag ni Murad na mangampanya na sila para sa Yes habang ang Bangsamoro Transition Commision ay meron ding gagawing advocacy para sa nalalapit na plebesito sa Bangsamoro Government. Sinabi pani chairman Murab, na top priority nila sa Bangsamoro Government ang Education, Social Services, Jod creation at kalusugan.

Facebook Comments