Manila, Philippines – Inilagay sa mga bagong matataas na posisyon sa hanay ng Philippine National Police ang limang matataas na opisyal ng PNP epektibo bukas September 1, 2018.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Benigno Durana ang mga police officials na ito ay sina
Police Deputy Director General Fernando Mendez Jr na itinalaga bilang The Deputy Chief For Administration (TDCA) kapalit ng nagretirong si Police Deputy Director General Ramon Apolinario
Si Mendez ay dating The Deputy Chief For Operations na magiging pwesto ni Police Deputy Director General Archie Gamboa
Habang Police Director Camilo Cascolan ay itinalaga bilang The Chief Directorial Staff (TCDS)
Pumalit naman kay Cascolan bilang Director ng PNP Civil Security Group si Police Chief Supt Reynaldo Biay.
Habang si itinalaga naman bilang Deputy Director for Intelligence si Police Chief Supt Mariel Magaway na una nang sinibak bilang Regional Director ng PNP Region 8 matapos salakayin ng mga NPA ang Lapinig Municipal Police Station kung saan nakuha ang mahigit sampung pirasong baril.
Sinabi ni Durana ang pagkakatalaga sa mga ito ay aprobado ni PNP Chief Oscar Albayalde batay na rin sa rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board(SOPPB).
Pinili aniya ang mga ito batay sa Seniority, competence at service reputation.