Nagtalaga na ang Armed Forces of the Philippines ng bagong pinuno ng AFP Health Service Command.
Ito ay matapos na sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno nito na si Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega dahil sa command responsibility matapos na madiskubre ang anomalya sa pagbibili at pagdedeliver ng medical equipment ng V luna medical center.
Ayon kay AFP Public Affirs Office Chief Col Noel Detoyato, ipinalit kay Brig Gen Torrelavega si Surgeon General Brig. Gen. Augustus De Villa.
Si De Villa ay dating nakatalaga bilang The Chief Surgeon ng Philippine Air Force; Commanding Officer ng Basa Airbase Hospital, Fernando Air Base Hospital, Presidential Security Group Hospital; at Command Surgeon ng Air Education and Training Command.
Isinagawa ang turn over ceremony kanina sa AFP medical center.