PINAHUHULI NA | Peter Go Lim, pina-aaresto na ng korte

Manila, Philippines – Pina-aaresto na ng Makati City Regional Trial Court branch 65 ang negosyanteng si Peter Go Lim.

Naglabas ng warrant of arrest si judge Gina Bibat-Palamos ngayong araw para kay Lim matapos pagtibayin ng korte ang resolusyon ng DOJ sa kanyang kasong paglabag sa section 26-b, kaugnay ng section 5 ng republic act 9165, o conspiracy to commit illegal drug trading.

Kasama sa pina-aaresto ng korte ang isa pang akusado na si Ruel Malindangan.


Bagama’t kasama sa kasong conspiracy sina Kerwin Espinosa ay Marcelo Adorco, hindi na naglabas ng warrant of arrest ang korte sa dalawa dahil nasa WPP ngayon si Kerwin habang nakakulong naman si Adorco.

Facebook Comments