ITINALAGA | DepEd, nagtalaga ng dalawang bagong tagapagsalita

Manila, Philippines – Nagtalaga ang Department of Education (DepEd) ng mga bagong tagapagsalita.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dalawang spokespersons ang kanyang itinalaga na siyang magsasalita kapag siya ay hindi available.

Ito ay sina Assistant Secretary Nepomuceno Malaluan at Undersecretary Annalyn Sevilla.


Si Malaluan ay nagsisilbing chief of staff ng ahensya, abogado at kinakatawan ang Cabinet Assistance System (CAS).

Si Sevilla naman ay Undersecretary for Finance, ang budget at performance monitoring ng ahensya.

Facebook Comments