PROMOSYON | Lapeña – itinuturing na promotion ang palilipat sa kanya ni PRRD sa TESDA

Manila, Philippines – Itinuturing ni Dating Customs Chief Isidro Lapeña na “promotion” ang paglilipat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa TESDA.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Lapeña na maging siya ay nagulat sa naging anunsyo ng Pangulo sa kanyang bagong posisyon.

Nangangahulugan lang aniya ito na buo pa rin ang tiwala sa kanya ni Pangulong Duterte.


Dahil dito, pinasalamatan niya ang Pangulo sa aniya ay isa na namang pagkakataon na makapagsilbi sa ibang kapasidad.

Facebook Comments